Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Monday, March 26, 2007

Al blogs: Kakaibang trip...

Last Friday, wala akong magawang matino sa buhay ko. Since 5:30 ang labas ko from work ay dumaan muna ako sa Glorietta para mag-unwind. Feeling ko kasi sobrang napagod ako sa work. My original plan was to watch a movie, but since ot was Friday, ang daming tao sa mall. Natagalan din ako sa pamimili ng movie na panonoorin. In the end, nagpunta n lang ako sa Timezone, hindi para maglaro but to watch other people. Iyon lang ang trip ko.

Nang magutom na ako nagpunta na lang ako sa SM Foodcourt since maraming tao lagi sa Foodchoices. And as usual, wala na naman ako mapili na food. So itexted my friend na kumain na lang kami ng inihaw sa Yoohoo sa Metrowalk. Pumayag naman siya.

Well, solve naman ang dinner dahil na satisfy naman ang cravings ko for inihaw. After nun, naglakad-lakad kami hanggang makarating kami sa Quantum. Since kasama ko ang basketball buddy ko sa mga gantong trip, naglaro kami. Well, out of 11 games, dalawang panalo lang ang naitala ko. To think na babae ang kalaro ko. Wah!!! Nakakahiya. Wedd, ayos lang iyon, at least siya player siya, ako hindi. Ganun lang ang trip namin sa buhay. Simple lang. After nun nagkape lang sa Starbucks. Hindi namin kailangan magpakalasing para i-enjoy ang Metrowalk.

Labels: ,