Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Sunday, April 1, 2007

Al blogs: Lenten Season is here

It's already Lenten season, a season where we'll all be remembering the hardships and sacrifices that Jesus Christ has done to save mankind. We all know that the Lord gave his own life to save the people's sins. And this is the season that we'll relive his hardships.

Sa mga nagdaang taon, kapag dumarating ang panahong ito ay nasa bahay o simbahan ang mga tao at nagdarasal at nagbabasa ng pasyon. Walang palabas sa telebisyon, lahat ay tahimik. Ngunit iba na talaga ang panahon ngayon. Ang iba, kapag Mahal na Araw ay makikita mo sa mga resort at nagsu-swimming. O kaya naman ay out of town para magbakasyon. Ito kasi ang isa sa mga panahon na magkakasama ang buong pamilya lalo na at may trabaho ang mga magulang at may pasok sa eskwela ang mga bata.

Sa mga nagdaanang panahon, kapag pumasok na ang ganitong panahon ay wala nang pasok sa trabaho ang mga tao. Iba na ngayon. Kung ang iba ay nasa simbahan at nagdarasal at nangungumpisal, ang iba ay nasa opisina at nagtatrabaho. Lalo pa ngayon at marami nang outsourcing business dito sa Pilipinas na ang kliyente ay mga foreigner. Alam naman natin na ang mga ibang bansa ay walang holiday kapag semana santa. Kadalasan ay mga Catholic countries lang ang gumugunita sa paghihirap ni Kristo. Wala namang magawa ang mga kawawang empleyado kundi ang pumasok.

Isa na kami sa mga kawawang empleyadong iyon. Voluntary man ang pagpasok ng Maundy Thursday, Good Friday, at Black Saturday, still may pasok pa rin kami. Wala naman kaming choice kundi ang pumasok alinman sa mga araw na iyon, business as usual. Lalo pa at ang kliyente namin ay mga Amerikano. Americans don’t celebrate Holy Week. The only season or holiday that is important to them is Thanksgiving. Well, naiintindihan ko naman kahit papaano kung bakit ganito ang mga pangyayari. Sa kanila kami kumikita. But as what one of my officemates told me, why can’t they consider our holidays ‘coz we are considering theirs. True, but what can we do. Again, we are working and we are earning because of them.

Hay, ang hirap talaga kumita ng pera. Siguro, we’ll just pray by ourselves. Hindi naman siguro kailangang magsimba pa para lang gunitain ang paghihirip ni Hesus. Pwede naman sigurong magdasal na lang ng taimtim at pagsisihan ang mga kasalanang nagawa ng bawat isa sa mga nagdaang panahon.

Labels: ,