Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Saturday, February 3, 2007

Katrina enters the virtual house

Greetings! I'm Katrina Isabel B. Gadong, a 15-year-old pure Pinay who resides in Iloilo City. Ipinanganak ako noong January 6, 1992 kasama ang kambal kong si Karina Iris. Nauna siya sa akin, kung kaya, ate ko siya. Lima kaming magkakapatid: four girls at one youngest brother. Yung kambal ko ang pinakamatanda at ako naman ang pangalawa. Nagseparate ang parents namin noong 2002. Mag-isa kaming inaalagaan ng mother namin until now.

Sa ngayon, I'm studying at Iloilo National High School under the Special Science Class. Thrid year na ako now. School is the best place to be, para sa akin. I get high grades kasi gustung-gusto ko talaga mag-aral. Pumapasok ako palagi sa top ten. At hanggang nagyong third grading, 2nd honors pa rin ako sa section namin. Mahal ko talaga ang paaralan ko, classmates ko, at mga teachers ko. The best talaga silang lahat! Kaya nga I chose "Campus Sweetheart" as my alias because it really describes me for who I am. School is very important to me for education will lead you to the paths you deserve.

I'm a Born Again Christian. I was baptized last April 15, 2006 and I serve God as an usher since then. I go to Victory Christian Fellowship - Iloilo. I've also met many different kinds of people there who I consider as my good friends. I love God kasi maraming blessings siyang binibigay sa amin. HIndi niya kami pinapabayaan.

Ano pa? Mga paborito ko.. Hmm. Paborito kong kulay ang pink kasi girly siya. Haha. Matakaw ako, sobra! Lahat ng klase ng pagkain, kinakain ko talaga. Hindi maiiwan ang plato kong may pagkain pa! Haha. Certified Kapamilya ako! Sa ngayon, nanonood ako ng Sana Maulit Muli dahil idol ko talaga ang Kimerald. Lahat sa ABS-CBN paborito ko! From SCQ hanggang PBBTeen, mahal ko lahat yan! Pero fave ko talaga: Kimerald, Neri, Melissa, KC&Bebs, Vane, at marami pang iba! Teleserye Queen ko si Bea Alonzo at ang hari niya, si John Lloyd Cruz! Haha. Mahilig din ako sa Koreanovelas at mga reality-based shows. Gusto ko rin ang musikang Pinoy.

Mahilig talaga akong mag-internet. Halos araw-araw ako nag-uupdate sa blog ko. Kung hindi naman, every other day ako nagboblog pero lahat na mga magaganda, pati ang mga masasamang nangyari sa akin ay linalagay ko talaga. Blogista ako ever since pumasok ako ng high school. Ang saya kasi eh. Doon ko ineexpress feelings ko. Ang blog ko ay http://xanga.com/pinkalicious03 at email add ko ay katrina_golez@yahoo.com. Mahal na mahal ko ang Friendster! Haha! Adik na adik ako doon! Mahilig din akong gumawa ng websites pero wala lang akong time mag-update. Haha.

Masayahin akong tao. Medyo tahimik na nga lang ako ngayon. Masaya akong kasama kung kaibigan ko ang tao. Pero kung hindi ko kilala, hindi ako kumikibo. Haha. Malakas akong tumawa. Alam kong mabait ako dahil marami akong kaibigan. Marami ang nagmamahal sa akin.

Mahilig ako sa mga librong love stories. Palagi akong bumabasa nun. Pero sa ngayon, wala pa akong boyfriend. Never pa ako nagkaroon ng boyfriend. Para kasi sa akin, walang kaibahan ang boyfriend sa kaibigan. Medyo man-hater kasi ako dahil a mga nangyari sa akin before.

Kung may gusto ako, gagawin ko ang lahat para lang makuha yun. Pero kung nakakasakit na ng damdamin, titigilan ko na. Hindi ako mahilig sa mga make-up at sa mga paganda. Simple lang akong tao. Hindi ako masyadong lumalabas sa bahay dahil wala naman akong magagawa sa mall. Haha.

Iba ako sa lahat. Unique akong tao. Misunderstood kung minsan, pero wala na akong magagawa doon. Maingat sa salita ako. Mahal ko ang lahat ng taong mahal ako. Only wish ko ngayon: JUSTICE. Equality para sa lahat.

Peace out! God bless! Ingat!

Labels: