Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Thursday, February 8, 2007

"Sanay kasi ako na carefree, walang pakialam minsan sa mundo" -Al

Madalas kami mag-text ni nizrhane lalo na kapag may load ako at hindi busy. kadalasan kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin: work, school, buhay-buhay. minsan anything under the sun. through sa text at sa chat na rin nakilala ko somehow ang personality nya. natutuwa rin aq na nag-open cya kahit papaano tungkol sa relationship nya sa mama nya kahit medyo personal iyon to think na hindi pa kami nagkikita sa personal.

Mahirap rin pala ang tumira sa isang bahay (kahit na virtual lang) na laging may naka-monitor sa mga kilos mo. sanay kasi ako na carefree, walang pakialam minsan sa mundo. pero ang nakakatuwa dun, matututo kang idisiplina ang sarili mo ang be very cautious on the things that you're doing and saying.

Labels: ,