Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Thursday, February 15, 2007

"Tuxedo with red long sleeves pa naman ang plano kong susuotin" -Mikhail

Fevaruary 15 na ngayon. Kahapon, Feb 14, ay Valentines day. Malamig ang araw ng mga puso ko. Pati ang puso ko malamig. BWAHAHA. Andaming nagbigay ng bulaklak kahapon! WHEW! Kahit saan ako lumingon may bulaklak, hearts at kulay red.

Bukas na ang JS Prom namin. Kinakabahan ako dahil baka pagtawanan lang ako ng buong school. Sabi kasi ng mga juniors, tatawanan daw nila ang mga lalaking susuot ng tuxedo sa prom bukas. SUS! GRRR! Ang malas ko! Tuxedo with red long sleeves pa naman ang plano kong susuotin. HAHAHA.

Eto ang lista ng gagawin ko ngayong araw para wala na akong aalahanin bukas:

bumili ng black shoe cream para sa sapatos - TSEK!
Tanggalan ng dumi ang sapatos - WALA PA!
Bumili ng gel - TSEK!
Maghanap ng sasakyan papuntang school bukas - WALA PA!

*Tinatamad akong tapusin ang nasimulan ko. LOL.

Ang hula ko magiging panget ang resulta ng prom bukas. Ewan ko kung bakit. WAAA! Bahala na si Superman at Batman. Sana gabayan ako ni Lord bukas at di ako magmukhang kahiya-hiya sa prom.

Lord, tulong po.... Please. Minsan lang po ang prom, pagbigyan niyo na ako... Huwag mo po ako ipahiya sa lahat ng tao.

SALAMAT.

Labels: ,