Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Friday, March 9, 2007

DAY FORTY
"This is a mere entertainment. yes, entertainment." -Al


HINDI ko maintindihan kung bakit bentang benta sa mga Pilipino ang issue tungkol sa mag-asawang Kris at James. Eh, ano naman kung mambabae si James, may maidudulot pa itong buti sa atin? Tataas ba ang ekonomiya ng bansa? Hindi naman di ba! pero bakit bawat salitang lumalabas sa bawat buka ng bibig ni Kris ay nagiging isang napakalaking issue?

Ilang linggo nang pinagpipistahan sa radyo, dyaryo, at telebisyon ang tungkol sa issue ng mag-asawang Yap. Na kesyo na-ospital si kris dahil sa problema, na maghihiwalay na ang dalawa, na hindi makapaglaro ng mabuti si james. tapos ang 2 major tv networks naman ay nag-uunahan kung cno ang sasagot sa isyu. meron kay vicky belo, meron kay hope.

Kung sana ba naman ay napapataas ng isyung ito ang halaga ng piso. kung nabibigyan ba nmn ng isyung ito ng trabaho ang mga walang trabaho.

This is a mere entertainment. yes, entertainment. kumabaga, kailangang i-divert naman natin ang atensyon natin sa ibang bagay bukod sa magulong kampanya ng mga pulitikong magulo pa sa salitang magulo. ang kawawa lang dito ay si noynoy, kapatid ni kris. hindi masasabi kung makakatulong ba o makakasira sa kampanya niya ang pangyayari sa buhay ng kapatid niya.

Labels: ,