Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Thursday, February 15, 2007

DAY EIGHTEEN
"May mga priorities din kasi ako" -Mikhail

Haaaaay.. Nagtataka siguro kayo kung bakit nagpost ako. Parang wala yatang nakakakilala sa akin dito! hahaha.

Ngayong Friday na pala ang last day ng nominations. Sino kaya ang inonominate ko?? SECRET! Wala pa nga akong naiisip e. Konti pa lang kasi ang alam ko sa aking mga CO-VHS. Hindi pa talaga lubusan...

Gaya ng sinasabi ko sa aking mga nakaraaang confessions, d ko pa nakaka-usap ang lahat ng VH. Hanggang ngayon, masasabi ko pa rin iyon. Hindi na kasi ako palaging online. Sa isang linggo, mga 3 or 4 beses nalang ako online. Baka ako ang ma-nominate dahil 'di ako masyado nagpaparamdam sa bahay. Kung manominate ako, d na ako magtataka kung ano ang dahilan..

Sorry talaga. May mga priorities din kasi ako. Pero ginagawa ko naman ang lahat makapag-online lang at makasama ang aking mga CO-VHs..

Teka lang, parang wala yata akong nakachat na VH ngayong linggong 'to. Kung meron man parang isa lang. Haaay.... Babawi ako. Kailan? Baka next week. Kapag hindi na ako masyado busy sa school.

hanggang dito nalang siguro... dahil mag-iisip pa ako kung sino ang inonominate ko. BABAY!

Labels: ,