Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Friday, February 9, 2007

"Nag isip ako kung paano makakalusot..."
-Richard

Muntik na akong di nakapasok sa Educ9 class ko kahapon dahil sa strict implementation ng NO ID NO ENTRY policy ng skul. naiwan ko sa bahay ang ID ko .. waaaaa! nakapagtataka dahil biglaan yata. ewan ko kung bakit baka marshall law na. o dahil sa malapit na ang election... heheh.. malayo pa bahay namin at ilang minuto na lang ang nalalabi at start na ng klase. kaya di ko mababalikan sa bahay yung id ko.. ayaw ko naman umabsent dahil sa once a week lang ang Educ 9 at baka i announce na kung ilan ang nakuha naming score sa nakaraang midterm exam. sigurado naman akong nakapasa dun. hehe.. pero gusto kong malaman kung ilan nakuha ko.. kaya nag isip ako kung paano makakalusot..

a. Mag over the bakod. Pero di ko yata kaya kasi tinaasan na ang pader. mga 30 feet na yata sa tansya ko. e 2o feet lang kaya ko. di kaya ng energy.

b. Magmadaling pumasok. Di pa rin kaya dahil limang tao ang nasa gate. may mga tauhan pa ng airforce, student vanguards at and dalawang security guard.

c.
d..
e..

..oopss.. tumalikod ang guard at busy ang ilan.. kaya bigla akong pumasok.. yahoo! succes!!!

Labels: ,