Al blogs: Another experience
Last Friday, sinamahan ko ang barkada ko na si Meliza sa bago niyang project. Simple lang naman. Ang maging mystery shopper ng 7-Eleven. Madali lang naman, magpapanggap lang naman kami na shopper pero i-tse-check mo iyong place. Kung malinis ba, maganda ba ang service, kung kumpleto ba sila ng stocks, things like that.
Nung sinabi niya na wala kaming gagawin kundi kakain ng siopao tsaka hotdog sabi ko okay lang. Iyon lang pala ang gagawin. Pero kamusta naman ang anim na store na pinuntahan namin na halos dalawang kanto lang yata ang layo sa bawat isa. Tapos kakaubos mo pa lang ang Surpee o Glup mo eh bibili ka na naman ng isa. Ok lang iyong sa pagkain kasi pwede naman iyong iuwi, pero iyong drinks, good luck kung saan mo siya pede ilagay. Nakakahinayang na itapon kahit na pera ng company nila ang gamit namin. And since malalapit lang ang stores na pinuntahan namin eh nilakad n lang namin iyong iba. Ang sakit sa paa. Grabe. Kaya nung makating kami sa huling place namin (which is fortunately malapit lang sa boarding house namin) eh hingal-kabayo na kami. Swear.
Kung alam ko lang na ganoon ang sasapitin namin, hindi ko na sana sinamahan ang barkada ko. Imagine, ipinagpalit ko ang gimik sa kanya! He, he. Tapos ginawa lang niya akong tagabitbit ng mabigat niyang bag! Mga babae talaga! Ha, ha! Mukhang nakalimutan kong banggitin na 10 p.m. ang start ng mystery shopping na ginawa namin. Hay... Tuloy, pagdating sa boarding house namin ay nagpahinga lang ako, naligo, at tuloy uwi na sa Bulacan. Sa Bus na lang ako natulog.