Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Sunday, February 4, 2007

Mikhail blogs: Manny? tatakbo? Boxing nalang

Pacquio. Pacquio. Alam ko na alam niyo na may plano siyang tumakbo para sa 2007 elections. Haaay. Ganyan na ba tayo kasama at paparusahan tayo ng Diyos ng ganito? Pati si Pacman patatakbuhin? Lahat na yata ng mga sikat na TV personalities ay pinipilit na maging politiko! Wala naman silang alam sa pagpapatakbo ng ating bansa.

Balik tayo sa Pacman issue. Payag ba kayo? Ako, HINDI! Hanggang suntok lang yata ang kaya niya. Pero kung politics na ang pag-uusapan, walang siyang kaya. KO na KO. Sa tingin ko mas malala pa yata siya kay Arroyo. HAHAHA. [ Baka magalit ang mga Pacman fans sa akin dahil sa pinagsasabi kong 'to ] Kahit nga yung ina ni Manny 'di papayag sa pagtakbo ng kanyang anak. Kung gusto niya talaga na makatulong sa ating bayan, may ibang paraan naman. Haaaay. Pero kung gusto talaga ni Pacman, wala tayong maggagawa. Don't say we didn't warn you!

Kung matutuloya man ang kanyang pagtakbo, sigurado nga dadami ang TV appearance niya dahil sa kanyang upcoming fight. Siya na naman ang pag-uusapan. Baka manalo siya?!? Huwag PLSSSS... Kahit hindi ako taga-General Santos City, ayaw na ayaw ko siya na maging politiko.

KAYO? PAYAG BA KAYO SA
KANYANG PAGTAKBO?

Labels: ,