Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Friday, February 9, 2007

"Syempre it takes time" -Stephanie

Week 2 palang pero ang dami na talgang nangyari. Isa na nga don ay ang force eviction ng tatlong co-vhs. Ikalawa naman ay ang pag quit ni Katrina. Nakakapanghinayang naman kasi kakasimula palang ng game and considering na week 2 palang eh apat na agad ang nabawasan. Di ko ine-expect na mag-qui-quit si Katrina. I'm looking forward pa naman na mas makilala sya. Nabasa ko nga ang confession nya na nararamdaman nya na OP (out of place) na sya kasi bago lang sya. Di ko akalain na sasabihin nya yun. Sana man lang naisip nya na natural lang na sa una ay wala pa sya masyadong makakasundo or makakausap masyado. syempre it takes time, sana nagkaroon sya ng medyo mahaba-habang pasensya. Plus the fact na di rin nagkakatagpo online yung ibang co-vhs. Hay. Sa activity naman tungkol sa connections. Talagang nahirapan ata ako dun, kasi hanggang ngayon di ko pa rin halos nakaka-chat or nakikilala ng labusan ang ibang co-vhs. Nahirapan ako in a sense na naco-connect ko naman yun iba pero di ko naman mahanap ng connection yun para sa isa pa, kasi may naco-connect at meron naman na hinde. ay basta nahirapan ako. Pero sa activity na yun dun ko na realize kung anu-ano at sinu-sino ang mga may mga characteristic at interest na magkapareho or nagkaka-ugnay, at the same time medyo nakilala ko na rin ang iba kahit di ko pa nakaka-chat kahit minsan.

Labels: ,