Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Friday, February 9, 2007

"That just goes to show that our place is safe" -Stephanie

Ohhh. grabeh! parang ang bilis tumakbo ng araw, parang kailan eh sabado tpos bukas sabado na ulit. anyway, eto at kakarating ko lang galing ng pier. grabeh sobrang init. well, we were just curious about how big the M/S ALBATROS cruise ship is. Feeling ko lang na lucky tlga kame dito sa Zamboanga at sa 2 places na madadaungan at papasyalan ng barko na lulan ang may higit 500 na tourista sa Pilipinas ay ang Manila at Zamboanga ang napili nila. Galing nga raw pala ng Taipei ang barko at pagkatapos dito ay sa Manila na daw. Well, which just proves that they trust our place and that just goes to show that our place is safe. Kasi naman, ilang beses ko na rin pinagtatanggol ang Zamboanga sa tuwing malalaman na taga dito ako ay lagi na lang tanong na "DI BA NAKAKATAKOT DYAN?". Mabalik nga sa kwento ko, ayun so nakita nga namin ng medyo malapitan lng naman ang cruise ship na yun. Pumunta kami sa isang barko na naka-dock malapit sa barkong yun at hiniram nga namin ang telescope at bongga tlga ako cruise... may mga foreigner na naka 2 piece at karamihan pala ng turista ay mga europeans at medyo mga may edad na. Pero may mga gwapong medyo late 30's na mga crew at may pinoy dingTantsa nga namin eh yun ay mga retired na sa trabaho at nagtotour na lang. Sarap siguro nun. Sana makasakay rin ako sa future ng cruise ship tulad ng Star Cruise. Hahay. Nagpa-picture nalang ako sa celphone na nasa likod ko na lang ang M/S Albatros. hehehe... atleast. Sa office naman, nagsimula na naman kami ng mga plano kung saan naman ang next trip namin. Sa March daw sa Pagadian, sa molave, isang natural cold spring pool ata meron dun. Naka punta naman ako ng Pagadian, pero di namin napuntahan nun panahon na yun ang place na yun sa Pagadian. Pero di pa ako sigurado kung makakasama nga ako next month, kasi mukhang wala akong budget na makasama. Pero ok lng kung hindi man, manonood na lang siguro ako ng concert ng Side A at freestyle dito kung sakali. Ngayong Sunday naman eh pupunta kami ng Isabela Basilan, ilang oras lang naman ang stay namin dun kasi 1 oras ang byahe sa barko tapos siguro mga 6 hours ang stay namin dun. Hahay, may pupuntahan na naman kame.. yehey!

Labels: ,