Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Friday, February 16, 2007

"I really enjoyed staying here" -Al

Nomination na, malapit na rin ang eviction. Mababawasan na naman ang mga VHs. Sayang hindi ko pa rin nakakausap ang iba. Sobrang busy na kasi sa trabaho. Miss ko na rin ang iba, hindi ko na kasi sila nakaka-usap. Si Nizrhane lang talaga ang consistent na nangungulit sa akin sa text. Kung ano-ano lang naman ang pinag-uusapan namin. School, work, at kung ano-ano pang maisipang itanong.

Nanghihinayang din ako na hindi man lang ako nagkaroon ng chance na maka-usap ang mga nauna pang natanggal. Pero ganun talaga eh, hindi sila sumasali sa mga usapan at sa tasks. Sana hindi muna ako matanggal. I really enjoyed staying here.


Labels: ,