Pinoy BigBrother Fantasy Game Season 5

Monday, February 5, 2007

"Tuloy, mukha na akong OP dito" -Katrina

Hello BBK! Ikalawang araw at ikatlong gabi ko pa lang sa virtual house pero nahhirapan na ako. Hindi sa dahil hindi ako sanay sa pagiging "good girl" sa bahay ng iba, kundi, naiilang ako sa mga co-virtual housemates ko..

Una pala sa lahat, pasensya na po at nag-last minute backout ako last Sunday sa imbitasyon niyo sa akin na pumasok sa virtual house. Salamat po at binigyan niyo pa rin ako ng pagkakataon na pumasok sa bahay niyo, kahit one week later na. Sana po naintindihan niyo ang biglaang pagbabago ng aking isip. Maliban sa katotohanang hindi nga talaga ako makapag-attend nung opening nung 28 dahil sa mga pangyayari sa pamilya ko, mahina talaga akong tao at baka, sa aking hindi inaasahang pagkakataon, ipapalayas niyo ako nang bigla sa bahay niyo. Pero sa pagkakaalam ko, hindi kayo ganun ka-brutal..

Nagpapasalamat ako sa mga taong nagtulong sa pagbabago ng isip ko. Alam kong makakatulong ang pagsali ko sa larong ito sa aking pagkatao. May makikilala akong iba't-ibang klase ng tao dito na sa huli, magiging kaibigan ko din. At sabi nga ninyo, BBK, baka dito ko na rin matatagpuan ang taong matagal ko nang hinahanap (pero i doubt it po.. hehe!). Kina Kuya Paolo Miguel at Ate Mica na naging inspirasyon ko at nag-encourage na sumali ako dito, nagpapasalamat din ako sa kanila. Nagpapasalamat din ako sa aking pamilya, higit sa lahat, sa kambal ko na tutulong sa akin kahit anong mangyari. Sa aking Panginoon, gabayan sana Niya ako..

Ang problema ko na ngayon, dahil nga sa bago pa lang ako, wala pa akong ganun ka kilala sa mga co-VHs ko. So, tuloy, mukha na akong OP dito. BBK, hindi naman akong mahirap maging kaibigan. Sana may makikilala ako soon..

Nabigla po ako nung nabasa kong may 8EPs na agad ako dahil hindi ako nagpost ng confessions at diary entry ko for week 1. Kabago-bago ko pa lang po, gusto na niyo agad akong paalisin? Hehe. Pero, totoo, nabigla talaga ako at nalungkot din dahil dun. Sana hindi ko na mauulit toh. Salamat sa lahat Kuya. Magbago na sana ako after this..

Labels: ,